Panonood ng Pelikula – Naratibong Komposisyon

Sa tingin ko, ang panonood ng pelikula ay isang nakakapanabik at nakaka aliw na gawain o pampalipas oras. Ngunit maraming mga iskolar ang nagsasabing ang panonood ng pelikula ay isang tamad na paraan para matuto ang isang tao. Ito raw ay hindi mabuting gawain dahil hindi nito nagagamit ng maayos ang ating utak. Ito rin daw ay nakakataba at sadyang nakakaubos lamang sa ating panahon. Sa palagay ko ang ganitong klasing pag-iisip ay malaking kamalian, at maraming kadahilanan kung gaano ka laki ang kabuluhan ng panonood ng mga pelikula.

Ang panonood ng pelikula ay isa lamang paraan para matuto ang isang tao ng napakaraming bagay. Sa katunayan, sa pelikula ko lamang na intindinhan halos lahat ng mga hindi naintindihan sa aking pagkabata. Sa panonood ng pelikula, marami kang matutuklasang bagay at ang napakaganda pa rito ay makikita mo kung ano ang pinapahiwatig ng isang istorya. Hindi ito gaya ng pagbabasa ng aklat na kailangan mong gamitin ang iyong imahinasyon at mag imbento ka ng mga imahe na talagang hindi naman totoo o hindi ito umiiral.

Ayon sa pagaaral ng mga dalubhasa, 70-80% raw sa ating pag-iisip ay ginagamit ang paningin sa pag-iintindi ng mga mensahe. Ibig sabihin, mas maiintindihan natin ng mabuti ang mensahe kung ito’y nakikita ng ating mga mata. Susunod na lamang ang paggamit ng pandinig at pakiramdam. Marami nang mga eksperimento nito sa aming paaralan, at pinakamadali kong naiintindihan kapag may imahe na pinapakita. Kung mas marami ang iyong napanood na mga pelikula, sa palagay ko ay mas marami kang nalalaman at mas marami kang magagawa dahil ang mga pelikula ay makabago at sumasabay sa mga bagong teknolohiya sa mundo. Hindi ka mahuhuli sa mga totoong bagay kumpara sa pagbasa lamang ng aklat na nagawa ilang dekada na ang nakalipas at pag imbento ng mga bagay sa iyong imahinasyon. Mas mabuti siguro kung magawa mo ang panonood ng pelikula at pagbasa para mas marami kang malaman.

Panghuli, ito ang mga kalamangan sa panonood ng mga pelikula: Kamalayan, panahon para sa pamilya, kapanapanabik na karanasan, masayang panonood, inspirasyon, paraan para malimutan ang masamang nakaraan, pampalipas oras, lunas sa may depresyon, pampawala ng stress, libangan, at higit sa lahat magandang paraan para ikaw ay matuto.

panonood ng pelikula

Featured Image Credit: http://az598155.vo.msecnd.net/wp-uploads/2014/04/kids-watching-movie.jpg Panonood ng Pelikula!

Be Sociable, Share!

Hi, I am a children's book illustrator and CG artist for 6 years already. I will create cute and fun illustrations and 3D assets you need!

I am full-time working online. My breaks: half day every Saturday, and whole day for Sundays.

Leave Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *